DALAWANG araw makaraang makopo ang kanilang unang playoff appearance sa loob ng 11 taon, sumosyo ang Phoenix Suns sa pagkakaroon ng best record sa NBA sa pamamagitan ng 121-100 panalo laban sa bisitang Utah Jazz.
Nanguna si Devin Booker na may 31 points para sa Phoenix na nadominahan ang Utah sa laro na nagresulta sa pagkakaroon ng dalawang koponan ng 45-18 records.
Ito ang ikatlong panalo ng Suns kontra Jazz sa kaparehong dami ng laro ngayong season, na nagbigay sa kanila ng tiebreaker kapag tumapos sila na tabla papasok sa playoffs.
Hindi lamang na-miss ng Jazz sina Donovan Mitchell (ankle) at Mike Conley (hamstring) — kundi nagmintis din sila sa maraming tira, kung saan bumuslo lamang sila ng 43.8 percent.
Kumana naman ang Suns ng mainit na 54.5 percent.
Umiskor si Mikal Bridges ng 18 points, habang nagdagdag sina Chris Paul ng 12 points at 9 assists, at Deandre Ayton ng 11 points at 9 rebounds para sa Suns na nagwagi ng tatlong sunod.
Nanguna si Bojan Bogdanovic para sa Utah na may 22 points, subalit tatlong iba pang players lamang ang umiskor ng double figures at nalasap ng Jazz ang ikatlong pagkabigo sa apat na laro.
KINGS 110,
LAKERS 106
Kumamada si Terence Davis ng 10 fourth-quarter points upang tulungan ang bisitang Sacramento Kings na maitakas ang 110-106 panalo kontra Los Angeles Lakers, na bumigo sa pagbabalik ni LeBron James mula sa injury.
Abante ang Lakers ng 10 points sa pagtatapos ng third quarter, subalit na-outscore ng Kings ang Los Angeles, 32-18, sa fourth.
May pagkakataon ang Los Angeles na mabawi ang kalamangan subalit subalit sumablay ang 3-point attempt ni James, may 2.7 segundo ang nalalabi. Sa sumunod na tagpo ay isinalpak ni Tyrese Haliburton ng Sacramento ang dalawang free throws upang selyuhan ang panalo.
Nakuha ng Kings ang kanilang unang panalo kontra Lakers sa Staples Center magmula noong 2018. Ang higit na impresibo, nanalo ang Sacramento na wala sina frontline players De’Aaron Fox (health and safety protocols) at Harrison Barnes (left abductor tightness).
Nanguna si Haliburton para sa Kings na may 23 points at 10 assists. Nagdagdag sina Richaun Jones ng 22 points at 9 rebounds, at Davis ng 15 points.
Sa iba pang laro, tumipa sina Brook Lopez at Khris Middleton ng tig- 22 points nang gapiin ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls, 108-98, na wala si two-time MVP Giannis Antetokounmpo.
Kumabig si Jayson Tatum ngcareer-high 60 points, kabilang ang apat na free throws sa huling 12 segundo ng overtime, upang pangunahan ang Bos-ton Celtics sa 143-140 panalo kontra San Antonio Spurs.
Dinispatsa ng Memphis Grizzlies ang Orlando Magic, 92-75; kinatay ng Philadelphia 76ers ang Atlanta Hawks, 126-104; nadominahan ng Portland Trail Blazers ang Brooklyn Nets, 128-109; at ginapi ng Washington Wizards ang Cleveland Cavaliers, 122-93.
64343 191128As soon as I discovered this internet site I went on reddit to share some with the love with them. 828899
662263 322421I discovered your website web site online and check numerous of your early posts. Maintain on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Seeking for forward to reading significantly a lot more from you finding out later on! 463718
766258 265979Im impressed, I ought to say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me tell you, you could have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too couple of men and women are speaking intelligently about. Im delighted i discovered this in my hunt for something about it. 436244