SA pagpapatuloy ng isyu na hinaharap ngayon ng Meralco, mariing itinanggi nila ang anila’y walang basehang pahayag ni Rep. Dan Fernandez na ang distribution utility ay nag-overcharge sa kanilang customers simula noong 2012.
Ang buwelta nila ay tila mali ang paratang ng nasabing mambabatas. Pinabulaanan ito ni Meralco First Vice President and Regulatory Management Head Atty. Jose Ronald Valles. Ayon sa kanya, ang alegasyon ng overcharging na rate ay sumailalim sa review and confirmation process upang matiyak na ito ay fair and reasonable para sa kanilang consumer batay sa kautusan ng ERC.
Binigyang-diin ng Meralco na wala itong ‘power to unilaterally set its own rates’ o kapangyarihan na gumawa ng sarili nilang presyo ng singil ng koryente na hindi dumadaan na walang basbas ang ERC. Ang lahat ng kanilang rates na ‘reflected’ sa electricity bills ng customers ay aprubado ng regulator kasunod ng ‘very stringent and transparent process’ ng mga pampublikong pagdinig o public hearing.
“I would like to reiterate that as a highly regulated entity, Meralco strictly adheres to the rules governing its operations and franchise and the rates we implement always have prior approval from the regulator. A testament to the strict review, these rates are still subject to periodic confirmation process by the ERC,” pahayag ni Valles.
“The proper venue for discussing the refund claims is the ERC, which has the rate-setting power and the regulator has already decided on a refund totaling P48 billion, which Meralco implemented in a timely manner,” dagdag pa ni Valles.
Nakapagtataka kung bakit ang nasabing mambabatas ay naka-focus sa Meralco bagama’t makikita sa records na ang Meralco sa katunayan, ay private distribution utility (DU) lamang na nagsagawa ng distribution refund bilang pagsunod sa direktiba ng ERC.
Ang alegasyon ni Rep. Fernandez na ang Meralco ay may “extremely high weighted average cost of capital” samantalang ang kanyang akusasyon ay dapat nakatuon sa ERC na siyang tumatayong regulator at nagbibigay ng takda sa lahat ng distribution utilities (DU) at electric cooperatives (EC) sa pagbigay pormula ng weighted average cost of capital (WACC). Eh bakit kumakahol si Fernandez laban lamang sa Meralco? Hindi ba dapat ay utusan ng ating magiting na kongresman ang ERC upang silipin ang lahat ng DU at EC kung wasto ang mga kanilang WACC at hindi lamang ang Meralco? Parehas din na nabigo ang ERC sa paglabas ng pinakabagong computation ng nasabing WACC sa ibang mga DUs at EC?
Para sa kaalaman ng lahat ang huling sinumite na WACC ng Meralco ang pinakamababang WACC na ibinigay ng regulator sa ilalim ng Performance-Based Regulation (PBR), para sa NGCP man o para sa private DUs.
Kaya naman madaling paikutin ang nasabing isyu ng WACC nang sinumang Pontio Pilato na nagmamarunong. Dahil medyo teknikal ang nasabing masalimuot na isyu, kung magsasalita ang isang tao na napagbigyan ng mikropono sa Plaza Miranda, maaaring mapaniwala at kakampihan ito ng mga taong nahihirapan sa pagbayad ng koryente kada buwan.
Heto ang paliwanag. Ang WACC ay nadedetermina base sa ‘set of rules’ na sumailalim sa public consultation at masusing pag-aaral ng ERC. Ang WACC ay industry WACC na inaaplay sa lahat ng private DUs sa kaparehong kategorya at hindi company specific. Nakakasunod pa ba kayo?! Kaya nga. Kailangan intindihin mabuti ang nasabing proseso!
Karagdagan nito, ang Meralco ay walang determined WACC mula pa noong Hulyo 2015 dahil walang completed rate reset sa panahon ng regulatory period hanggang sa kasalukuyan. Dagdag pa rito, ayon sa Meralco, sa recent study ng International Energy Consultants, sinabing ang rate ng Meralco ay ‘fair and reasonable’ dahil ito ay naka-reflect sa tunay na halaga ng koryente kumpara sa ibang mga bansa na ang power costs ay heavily subsidized ng kanilang gobyerno.
Tulad sa pagsagot sa klase. Kung ang estudyante ay mabulaklak ang pananalita at tila alam niya raw ang kanyang sinasabi subalit mali mali naman ito, ang kapwa kaklase niya na hindi nag-aral at walang alam sa sinasabi niya ay madaling mapaniwala. Subalit ang kanyang guro, na may malalim na kaalaman sa nasabing paksa, ay tiyak na bibigyan ng sariwang itlog ang nasabing estudyante sa kanyang grado. Gets nyo?!