MAY PERA SA BANGKO DUMAMI

BANK

LUMOBO ang bilang ng mga may pera sa bangko, dalawang taon makaraang gawing misyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hikayatin ang mas maraming Filipino na magbukas ng bank accounts.

Sa datos ng central bank,  ang bilang ng deposit accounts sa bansa ay tumaas ng 6.8 percent mula 53.5 million noong  2016 sa 57.1 million noong 2017.

Sa pinakabagong “State of Financial Inclusion in the Philippines” report  ng BSP, sinabing sa patuloy na paglago ng banking offices sa buong bansa, ang bilang ng unbanked  local government units ay bumaba sa 554 (33.9 percent ng kabuuan) noong 2017 mula sa 582 (35.6 percent)  noong 2016,  nagpapakita ng  1.7 percentage points decrease sa unbanked areas.

Hanggang noong Hunyo 2018,  may 155 bangko mula sa 581 head offices ang nag-tap ng 1,751 so-called branch-lite units upang mapalawak ang  physical outreach sa 738 LGUs, kung saan 151  ang sineserbisyuhan ng branch-lite units lamang.

Samantala, sa natu­rang report ay binigyang-diin ang mga oportunidad na iprinisinta ng National Strategy for Financial Inclusion sa pagpapabilis ng mahahalagang multi-partite agreements tulad ng pagsusulong sa financial literacy sa mga eskuwelahan at access sa pananalapi ng micro, small, and medium enterprises.

Tinampukan din ito ng kontribusyon ng BSP sa mga batas na may epekto sa financial inclusion, partikualr sa pagsasabatas at pagpapatupad ng Philippine Identification System Act at Personal Property Security Act.

Comments are closed.