MAYNILA WAGI SA DIGITAL GOVERNANCE AWARD 2020

isko moreno

NAGWAGI ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng dalawang karangalan sa katatapos na Digital Gover­nance Award 2020.

Dahil dito, nagpasalamat si Mayor Isko Moreno sa National ICT Confederation of the Philippines (NICP),  Department of Interior and Local Gov-ernment (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagkakaloob ng karangalan sa lungsod na inalay nito sa mga kawani ng City Hall.

Sa kanyang live public address, sinabi ni Moreno na ibinabahagi niya ang karangalan sa mga kinauukulang empleyado na ang kagalingan ay nag-bunga ng dalawang karangalan na naging mailap sa lungsod sa matagal na panahon.

“Im happy to share with you itong ating ‘Go Manila’..  nanalo po ang Maynila after so many years of this competition,”  pahayag ni Moreno, kasa-bay ng kanyang pagbibigay puri sa  electronic data processing department chief  na si Fortune Palileo at sa  Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan at ng mga kawani nito na naging instrumento sa karangalang natamo ng lungsod.

Ayon kay Moreno, labis na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan at karangalan na ang lungsod sa pamamagitan ng kontribusyong galing ng mga empleyado ay nagawang magkamit ng napakahalagang pagkilala sa loob lamang ng isang taon at limang buwang operasyon, bukod pa sa pagtamo ng Seal of Good Financial Housekeeping noong isang buwan.

Nabatid na natamo ng pamahalaang lungsod ang second place sa dalawang kategorya na kinabibilangan ng   ‘Best in Customer Empowerment G2C’ at  ‘Occupational Permits and Health Certificate Integration System.’ Sa taong ito ay mayroong mahigit na 100 local government-led programs ang naglaban para sa karangalan.

“Sabi sa inyo, magsikap lang tayong maging episyente..tulong-tulong lang tayo mga kasama kong kawani ng pamahalaan. Let’s adapt to technology and offer efficient services through the adaptation of existing technology,” pahayag ng alkalde.

Ayon pa kay Moreno, ang pamahalaang lokal ay kinilala dahil sa ‘Go Manila’ app, na siyang  end-to-end solution sa pagbabayad ng buwis kung saan ang mga taxpayer ay maari ng magbayad na hindi na kailangang pumunta sa City Hall.

Sa pamamagitan ng pagdownload ng  ‘Go Manila’ app  sa  mobile cellphones, ang taxpa­yers ay maari ng magbayad kahit nasa bahay lang at maka-katipid pa ng oras, transportasyon at makakaiwas pa sa posibleng exposure sa COVID-19.

Ang online payment system ay  available round-the-clock at sakop nito ang mga bayarin sa government at private entities at mayroon ding  E-Wallet para loading, payment, sending and receiving of funds

Maari ring bayaran dito ang real property and business taxes,  cedula (community tax certificates), birth at death certificates, occupational permits at health certificates, ordinance violation receipts (OVRs) at social amelioration programs.

Ang taunang  Digital Governance Awards ay bukas sa lahat ng  provincial governors, city at municipal ma­yors, DILG regional directors, provin-cial directors, city at municipal local government operations officers. VERLIN RUIZ

Comments are closed.