CAGAYAN- ISINAILALIM sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Tugegarao City matapos na kumpirmahin ni Mayor Jefferson Soriano na nagpositibo siya sa COVID-19 kabilang ang dalawang kawani sa kanyang opisina.
Unang nagpositibo noong Miyerkules ang isa nilang kasamahan makaraang makaranas ng sintomas kung kaya’t kaagad na sumailalim sa swab test ang nasabing kawani at ini-lockdown ang tanggapan ng City mayor.
Sa kasalukuyan ay nasa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na ang dalawang kawani na nagpositibo sa sakit habang nakatakda rin silang dalhin sa Peoples General Hospital upang maisolate.
Gayundin, humingi ng paumanhin ang Alkalde sa lahat ng nakasalamuha nito at hinikayat na makipag-ugnayan sa City Health Office para sa kaukulang mga hakbang.
Samantala, tiniyak ng alkalde na wala siyang ibang nararamdamang sintomas ng sakit at habang nakasailalim sa mandatory quatantine ay patuloy siya sa pagtatrabaho upang maiayos ang vaccination plan ng lungsod.
At habang nasa ilalim ng ECQ ang lungsod ay mahigpit na pinagbabawalan ang mga private at public tricycle na lumabas at bawal din ang backriding sa mga motorsiklo kahit na kasamahan sa bahay, habang mga kolong-kolong naman ay pinapayagan ngunit para lamang sa paghahatid ng mga tubig at pagkain. IRENE GONZALES
Comments are closed.