NUEVA ECIJA – INILIBING na kaninang alas-10 ng umaga si Gen. Tinio Mayor Ferdinand Bote makaraan ang isang linggong pagluluksa ng kanyang pamilya, kaibigan at supporters.
Sa huling lamay ay dumagsa ang nakiramay sa mga naulila ng alkalde.
Alas-7 ng umaga ay inilipat ang labi ni Bote mula sa sports complex sa Bethany Church para sa maikling programa at alas-8 ng umaga ang huling rites para sa alkalde.
Hiniling naman ng pamilya ni Bote ang privacy at saka na lamang magsasalita o tatanggap ng panayam kapag nailibing na ang alkalde.
Ang mga classmate ng alkalde ay nakipaglibing din kung saan tinalian nila ng kulay pulang tela ang kanilang braso na hiling ang hustisya para kay Bote.
Magugunitang noong July 3 ng hapon ay pinagbabaril si Bote habang lulan ng kanyang sasakyan sa tapat ng tanggapan ng National Irrigation Authority (NIA) sa Cabanatuan City habang nagmamaniobra paliko.
Umabot sa 18 bala ang pinakawalan ng lone gunman patungo sa katawan ng biktima kung saan malapitan itong pinagbabaril.
Samantala, politika at negosyo ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpaslang kay Bote.
Sa regular Monday press conference sa Camp Crame, unang sinabi ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na mayroon na silang malakas na lead hinggil sa pagpaslang kay Bote. EUNICE C
Comments are closed.