MAYWEATHER SUPORTADO ANG SPORTS ADVOCACY NI BONG GO

DUMATING sa bansa si greatest pound-for-pound boxer of all time, Floyd ‘Money’  Mayweather noong nakaraang linggo kasama ang kanyang crew  na kilala bilang  “The Money Team” (TMT) para sa ilang endorsements activities.

Nakausap din ni Mayweather si Special Assistant to the President Bong Go.

Si Mayweather, matagumpay na nai­depensa ang kanyang championship belt mula 1996 hanggang 2007 at mula 2009 hanggang  2015, ay may ipinagmamalaking 50-0 career win-loss record, kabilang ang one-fight comeback noong 2017 kung saan tinalo niya si Manny Pacquiao.

Nagtungo si Mayweather, kasama ang kanyang team at si da­ting Gov. Chavit Singson, sa Lanang, Davao upang ipahayag ang kanyang suporta sa sports at tourism advocacy ni  Secretary Go, na isang avid sportsman at nani­niwala sa pagsusulong sa Pilipinas bilang tourist destination.

Masaya ang boksi­ngero at nakaharap niya ang Secretary at ang mga  Davaoeño, na sinalubong siya sa Lanang.

“I am excited to be here. Filipinos are great people, that’s why I extended my vacation here. I really appreciate your friendliness and hospitality,” ayon kay Mayweather.

Sa kanyang panig, sinabi ni Secretary Go,  na sumusubaybay sa boxing, basketball at watersports, kay May-weather na, “Welcome to the Philippines and welcome to Davao. I hope you enjoy your visit to our country and spend time to see its beautiful places of interest.

Comments are closed.