ISINUSULONG ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang pag-angkat ng meat products makaraang maapektuhan ang supplies ng African swine fever (ASF).
Sa isang virtual town hall discussion, sinabi ni PCCI director Roberto Amores na ang suplay ng karne, lalo na sa Luzon, ay labis na naapektuhan ng ASF.
“At this time, importation from ASF-free sources is needed to balance supply and stabilize prices,” aniya.
Giit ni Amores, hindi sapat ang suplay para matugunan ang pangangailangan sa National Capital Region (NCR) at Luzon.
Unang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang presensiya ng ASF sa bansa noong September 2019. Isinisi nito ang outbreak sa imports mula sa China at sa pagsasagawa ng swill feeding.
Magmula noon ay nagpatupad na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng color coding scheme na nagpapahintulot sa pagpasok ng shipments mula sa ASF-free areas sa Visayas at Mindanao.
Gayunman, nanawagan ang mga hog raiser sa pamahalaan na dagdagan ang tulong pinansiyal sa mga tinamaan ng ASF.
Ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines Inc. vice president for Luzon Nicanor Briones, ang mga backyard raiser lamang ang tunutulungan ng gobyerno.
Para matugunan ito, hinikayat ng PCCI ang mga apektadong hog raiser na lumipat muna sa ibang produkto habang patuloy na nananalasa ang ASF.
“We, therefore, also recommend for the hog raisers to temporarily shift to other means like dairy production, rabbit raising, or grow high-value crops since the avaibility of vaccines is still uncertain at the moment,” sabi ni Amores.
Comments are closed.