MEDALYA NG PAPURI SA PULIS NA NANGHABOL NG ISTNATSER

Medalya

CAMP CRAME – DALAWANG pulis mula sa Manila Police Districts (MPD) ang ginawaran ng  “Medalya ng Papuri” dahil sa pagpapakita ng kahusayan at devotion sa kanilang katungkulan.

Ginawa ang paggawad ng parangal sa  Regular Flag Raising Ceremony ni  PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde kina Patrolman Jonathan Stanley Dionisio at sa team leader nito na si PCpl Timothy John Cruz.

Sa ulat, si Dionisio ay on duty nang rumes­ponde sa snatching incident kung saan isang pasahero ng jeep ang nahablutan ng bracelet.

Naging viral ang dashcam video noong Agosto 2, at nakita si  Dionisio na walang takot na humabol sa isnatser na si Angelo Gallardo hanggang mahuli ito sa  Lagusnilad Underpass sa Ermita, Manila.

“Patrolman Dionisio epitomizes what a police officer really is as he pursued a long chase and didn’t give up until he arrested the suspect,” ayon kay Albayalde. EUNICE C.

Comments are closed.