MEDIA KASAMA SA MAUUNANG BAKUNAHAN

bong go

IGINIIT ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na dapat din  kasama sa mga uunahing bakunahan ng anti-COVID-19 vaccine ang mga miyembro ng  media.

Ipinaliwanag ni Go na mistulang mga frontliner din ang mga miyembro ng media  dahil nalalagay din sa peligro ang buhay ng mga ito para lamang makakalap ng mga impormasyon na ipaparating sa publiko na kanilang tungkulin.

Binigyang diin ni Go na itinuturing niyang isa sa mga mahalagang sektor ng lipunan ang  media dahil  sila ang nai-expose sa mga lugar para sa paghahatid ng mga balita at pag-alam ng mga nangyayari sa isang lugar.

Samantala, hinimok ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte  para i-certify na urgent ang hakbang na naglalayong mapabilis ang procurement ng bakuna ng mga Local Government Unit at ma-establish ang vaccine indemnity fund.

Matatandaan na iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na lahat ng mga vaccine manufacturers ay nagri-require ng in-demnity at liability frameworks na kabilang  ang pag-set up ng indemnification fund na suportado ng legislation para may safeguard ang mga ito sa posibleng damage suits.

Ito rin ang dahilan kaya nagkaroon ng delay sa pagdating ng mga bakuna sa bansa na unang  nitong Pebrero 15. VICKY CERVALES

2 thoughts on “MEDIA KASAMA SA MAUUNANG BAKUNAHAN”

Comments are closed.