MEDICAL CANNABIS, ISINULONG NG HEALTH EXPERTS

ISINUSULONG ng ilang eksperto sa medisina ang paggamit ng marijuana bilang pamuksa sa ibat-ibang karamdaman ng mga Pinoy sa bansa.

Sa ginanap na weekly media health forum sa Quezon City, sinabi ni Zarah Uytingban Cruz, Cannabis Program Specialist na nakabase sa Sacramento, California, USA na panahon ng gamitin ang dahon ng marijuana upang nagsilbing medisina sa mga sakit.

Aniya, sa America, noong 2016 pa na commercialize ang cannabis na pinakikinabangan ng marami.

Nasa 27 taon na nang simulang maaprubahan ito sa America kung saan sumasailalim sa wastong regulasyon ng mga awtoridad.

Apela nito sa mga kinauukulan na maging bukas at aprubahan ang paggamit ng marijuana upang magkaroon ng bagong opsiyon ang mga taong may taglay na migraine, epilepsy, arthritis, insomnia, at iba pang neuro diseases na pinaniniwalaang panlunas sa naturang mga sakit.

Sinabi naman ni Richard Nixon Gomez, isang dalubhasa sa research and development (R and D) ng Bauertek na mas addictive ang nicotine na pinahihintulutan sa Pilipinas kumpara sa cannabis.

Sinabi pa nito na maraming halamang gamot katulad na lamang ng lagundi, banaba at iba pa ang nakakatulong sa mga sakit katulad ng marijuana kung kayat nararapat ng pahintulutan ito ng mga mambabatas.

Sa planong medical cannabis, kukunin ang active compounds na responsable sa ikakalunas sa sakit.
BENEDICT ABAYGAR, JR.