MEGAN YOUNG HINAY-HINAY MUNA SA DRAMA

MEGAN YOUNG

LABIS ang kagalakan sa puso ni Megan Young nang muli siyang papirmahin ng exclusive contract ng estasyon kung saan siya nagsimula, sa edad na 14 at sa “Starstruck” batch 2, kapanabayan wallfacenina LJ Reyes, Ryza Cenon at Mike Tan, sa Kapuso Network.

Say ni Megan, masaya siya na muling haharap sa kamera pagkatapos ng kanyang “The Stepdaughters” last year with Mikael Daez at Katrina Halili.  Dugtong pa rin ni Megan, may mga gusto pa rin siyang gawin sa pagpirma niya muli ng bagong kontrata sa Siyete, isa na riyan ay ang pagho-host ng isang game show. And who knows baka ma­ging isa sa hurado si Megan sa parating na “Starstruck” ngayong taon na ongoing ang audition sa buong bansa.

Pagdating naman sa teleserye, gusto naman ni Megan na maghinay-hinay na sa mga heavy drama. Halos lahat ng soap na nagawa niya ay pawang mga heavy drama kung kaya this year ay nais naman ni Megan na masubukan ang lumabas sa isang romantic comedy teleserye na style Koreanobela.

Hindi kasi itinatanggi ni Megan na avid followers siya ng mga Koreanovela na may romcom na tema at gustong-gusto niya itong masubukan, para maging light moment naman daw siya pagdating sa teleserye.

DIANA ZUBIRI PRIORITY PA RIN ANG PAMILYA

KABI-KABILA ang ginagawang proyekto ni Diana Zubiri— nandiyan ang “Mystified” nila ng mga co-Encantadia cast na sina Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado na sa Iflex live streaming mapanonood, kasabay nito ay ginagawa rin niya ang ‘Dragon Lady” ni Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

Bukod pa sa mga guesting niya sa iba’t ibang show ng Kapuso Network, may oras pa ba si Diana sa kanyang pamilya? Ani ng aktress, priority niya ang kanyang pamilya over showbiz career, she sees to it na bago siya pumunta sa kanyang showbiz commitments ay maayos ang lagay ng kanyang pamilya at pag-uwi naman niya ng tahanan, balik-nanay at asawa na ulit siya. Hands-on talaga si Diana sa kanyang pamilya.

Comments are closed.