NAKATAKDANG ilabas ng Malacañang sa Lunes, Hunyo 21 ang memorandum hinggil sa paggamit ng face shield.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, ito ay kasabay na rin ng inaasahang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan mabibigyang linaw aniya sa naturang dokumento kung mandatory pa rin o obligado ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar, o magiging voluntary na lamang ito.
Bukod dito, malalaman na rin ng mga tagapagpatupad ng batas gaya ng PNP, MMDA, kung anong polisiya ang dapat na pairalin.
Samantala, iginiit naman ni Nograles na hindi maaring magpatupad ng sariling desisyon ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa naturang usapin. DWIZ882
155217 754703Wonderful site. Plenty of helpful information here. 413154
335197 902518I like this website quite a lot, Its a rattling good location to read and get info . 300418