Lumabag sa quarantine protocols?
BUMUO ang University of Santo Tomas (UST) ng isang komite na mag-iimbestiga sa umano’y paglabag sa quarantine protocols ng Growling Tigers sa Sorsogon.
Sa isang statement na ipinalabas ngayong araw (Linggo), sinabi ng UST na dapat sumunod ang physical activity sa mga patakaran na ipinalabas ng pamahalaan sa harap ng banta ng COVID-19.
“Today, we heard the news about the alleged breach of quarantine protocols by the UST Basketball Team in Sorsogon. Accordingly, we created a committee to investigate and to inquire into the matter,” nakasaad sa statement.
Ang Sorsogon ang hometown ni UST Growling Tigers head coach Aldin Ayo.
Bagaman kinikilala ang mga benepisyo ng physical activity sa physical at mental health ng mga estudyante, ipinaliwanag ng UST na dapat itong tumalima sa mga panuntunan ng gobyerno.
“We always endeavor to support the concerted government efforts to ensure that proper social and physical environments are in place,” sabi ng UST.
“We wish to assure you that the University does not tolerate any form of violation of government regulation, and it responds promptly by taking the appropriate action,” dagdag pa nito.
Ang UST basketball team ay nagsagawa umano ng training sa Sorsogon sa kabila ng panuntunan mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa physical activities at sports sa gitna ng banta ng COVID-19.
Sa ilalim ng government guidelines na ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19, ang sporting events ay hindi pinapayagan sa ilallm ng community quarantine. Gayunman, noong Mayo ay tanging ang non-contact sports tulad ng badminton at tennis ang pinahintulutan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Noong Sabado ay nagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Department of Health (DOH), at ang Games and Amusements Board (GAB) upang talakayin ang isyu.
Ayon sa PSC, magalang na tumanggi ang UST sa imbitasyon na dumalo sa miting.
“We were informed that the university concerned is now conducting their own investigation and that UAAP shall share information in the following days,” sabi ng PSC. CLYDE MARIANO
Comments are closed.