MENSAHERO NG BUKANG LIWAYWAY (PILIPINO Mirror sa ika-siyam)

AMBA

(ni ED CORDEVILLA)

PANAHON man ng pandemya, nananaig ang mapagpalang oryentasyon ng pahayagang Pilipino Mirror, ang una at nag-iisang tabloid sa negosyo.

Rebolusyunaryong kilatis nang simulan siyam na taong nakararaan, binigyang wangis ng dalawang front page ng beteranong mamamahayag na si Rey Briones, na pinuspos naman ng suporta ni Ambassador Antonio Cabangon-Chua kaya nabuo at naging isang ganap na reyalidad.

Ang pagsisimula ng Pilipino Mirror ay binigyan ng kikig at kilatis kasama ang mga batikang adviser ni Amb. Cabangon-Chua na sina retired Judge Pedro Santiago at beteranong mamamahayag na si Butch del Castillo, parehong pumanaw na kasama ni Amb. Cabangon-Chua.

Kaya marahil ang pagsisimula ng Pilipino Mirror, mahirap man ay napagtagumpayan dahil na rin sa mga karanasan at galling na sumuporta sa pinakamamahal na proyektong ito ni Cabangon-Chua.

Mula sa isang tabloid na may rebolusyunaryong presentasyon, unti-unting hinabi naman ito na maging isang business tabloid, at sa tulong ni Marvin Estigoy na batikan sa larangan ng branding at advertising ay nabigyan ito ng lubos na kaganapan.

Ang Pilipino Mirror ay naging ganap ngang isang tabloid sa negosyo, una at nag-iisa sa bansa. Mula nooý umani na ito ng kali-wa’t kanang mga parangal sa industriya. Maka-tatlo na rin itong nabibigyan ng prestihiyosong karangalan ng taunang Gawad Tanglaw.

Nagbigay inspirasyon ang Pilipino Mirror sa mga entrepreneur na siyang naging katuwang nito sa landas na tinahak.

Matapos lisanin ni Amb. Cabangon-Chua ang daigdig, ang kanyang butihing anak na si D. Edgard Cabangon-Chua naman ang nagpunyagi upang mapagyaman ang nasimulan ng kanyang ama.

Pinagpapala nga ng magaling na management style ni  Edgard Cabangon ang pahayagan, sampu ng mga negosyong nasa ilalim ng kanyang custodianship bilang chairman sa karamihan ng mga ito.

Sa ilalim ng liderato ng batang  Cabangon ay patuloy ang pag-igting ng pagiging mensahero ng Pilipino Mirror ng pagpapala at pag-asa sa bansa sa gitna man ng pandemya.

Comments are closed.