MERALCO, HUMAKOT NG MGA PARANGAL SA 19TH PHILIPPINE QUILL AWARDS

KINILALA ang Manila Electric Company (Meralco) bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kumpanya sa ginanap na 19th Philippine Quill Awards kamakailan, ma­tapos itong humakot ng 22 na parangal at tangha­ling Company of the Year – 1st Runner-up.

Tumanggap ng walong Excellence Awards at 14 Merit Awards ang Meralco para sa husay at galing ng mga internal at external na programa at insiyatiba nito na nakasentro sa kapakanan ng mga customer, pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan, husay sa serbisyo, at stakeholder engagement sa gitna ng pandemya.

“Noon pa man ay nakatuon na ang Meralco sa empowerment ng aming mga customer at ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng aming mga programa, lalo pa at nananatili ang mga hamon na epekto ng pandemya. Nagsisilbing inspirasyon ang mga hamong ito upang paigtingin pa ang a­ming serbisyo lalo pa at batid namin ang kahalagahan ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente sa ating patuloy na pagbangon mula sa pandemya,” sabi ni Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

“Ang mga award na ito sa larangan ng komunikasyon ay napakalaking karangalan na lalo pang magtutulak sa Me­ralco upang ipagpatuloy ang pagpapatupad nito ng mga programa para sa kabutihan ng aming mga customer, mga komunidad, at ang ating bansa,” dagdag niya.

Ilan sa mga umani ng pinakamataas na parangal ay mga programang nagbibigay impormasyon sa mga customer, stakeholder, at mga emple­yado upang manatiling protektado laban sa pandemya, katulad ng “#AyokoMagViral: A Meralco internal campaign against COVID-19” sa Internal Communications category at “Safety First: Empowering Enterprises to Fight an Invisible Enemy” sa Safety Communication category.

Samantala, nanalo rin ng Excellence Awards sa Customer Relations category ang mga inisya­tiba nito na “Fitting the Bill: Meralco makes paying bills easier with the Customer Account Number” na naglalayong gawing mas madali at mas maginhawa ang pagbabayad ng kuryente para sa mga customer, gayundin ang “Me­ralco Power Up Live: Empowering Business Customers Amidst the Pandemic” kung saan ipinakita ng Meralco ang suporta nito sa mga stakeholder sa kasagsagan ng pandemya.

Kabilang din sa ginawaran ng Excellence Award ang programang “Safeguard the Eco­nomy at All Costs by Waiving Energy Demand Charge” sa ilalim ng Customer Relations cate­gory, na nagpatunay sa suporta ng Meralco sa mga business customer nito sa kalagitnaan ng krisis.

Ang programang “Electric Motorcycle Deployment for Meralco Business Center Field Representatives” bilang isa sa mga inisyatiba ng kumpanya patungkol sa sustainability ay umani rin ng Excellence Award sa ilalim ng Change Communication category.

Maging ang mga subsidiary ng Meralco na Meralco PowerGen Corporation ay tumanggap din ng dalawang Excellence Award para sa “Kaisa sa Kabuhayan: Aplaya Sardines Enterprise with Atimonan Fisherfolks” at “Ka­isa sa Kalusugan radio health program”, mga programang tumutugon sa hamon ng pandemya na naging malaking tulong para sa mga host community ng Atimonan One Energy sa probinsya ng Quezon.

Ang One Meralco Foundation, ang social development arm ng Meralco, ay umani rin ng apat na Merit award para sa mga programa nitong “Household Electrification Program: Po­wering-Up Communities Amidst the Pandemic”, “Meralco One for Trees: Helping Farmers Survive the Pandemic through Sustainable Reforestation”, “COVIDCOMMS 2021 Farmers to Frontliners and Marginalized (F2FM) Project: Invigorating the Livelihood of Farmers”, at “Stronger Together-The 2020 MVP Academic Achievement Awards Virtual Ceremony.”

Ilan pang mga inisyatiba ng Meralco ang nakatanggap ng Merit awards katulad ng “Unwavering Service and Malasakit amid the Pandemic and May-June 2021 Power Shortage”, “Providing Consumers the Power During Summer”, “Meralco Corporate Partners Viber Community – Engagement When Connectivity is a Must”, “Ensuring our Stakeholders are Informed Despite Social Distancing: Quarterly Operating and Financial Media Briefings”, “Putting Things in Perspective: Meralco Communicates the Upward Trend of Power Rates 2021”, “Meralco’s 2020 Corporate Reports (Power On, Live Life and Give Hope)”, “Biyaheng Meralco: A Virtual Townhall with our CEO”, “Customer Experience Index (CXI): The Case of Meralco Business Centers”, “COVIDCOMMS2021: Meralco’s Facebook Page Kee­ping the Lights On in the New Normal”, at “MVP: The Man and His Art – A Visual Inventory of Filipino Ar­tistry Gracing the Halls of Philippines’ Major Companies”.

Ang Philippine Quill Award ay isa sa mga prestihiyosong programa ng International Association of Business Communicators (IABC) Philip­pines na kumikilala sa kagalingan at kahusayan ng mga kumpanya sa larangan ng komunikasyon.

Ayon sa IABC Philippines, higit sa 800 entries ang kanilang natanggap ngayong taon. Ito ang naitalang pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng Philippine Quill Awards. Ang IABC ay asosasyong binubuo ng malalaki at kilalang mga kumpanya, mga communicator, at mga propesyonal sa bansa, na naniniwala at sumusuporta sa mataas na kalidad ng komunikasyon at pagbabago sa mga organisasyon at kumpanya.