MERALCO HANDA NA SA BSKE

NAKAHANDA  na rin ang Manila Electric Company (Meralco)  para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes.

Ayon sa Meralco, nasa 180 generator sets nila ang naka-standby sa mismong araw ng eleksiyon para ilawan ang mga polling at canvassing center oras na magkaroon ng hindi inaasahang brownout.

Maliban dito, nakaantabay din 24 oras ang nasa 500 crews ng Meralco sa araw ng halalan.

Sa kabila nito, pina­yuhan pa rin ng Meralco ang mga polling cen­ters na magdala ng mga reserbang ilaw at iwasan ang pagsasaksak ng mga hindi naman kinakaila­ngang appliances upang maiwasan ang overloading at octopus wiring.

Pinapayuhan din ang publiko na iwasan ang magpalipad ng lobo, paggamit ng firecrackers at party poppers malapit sa mga linya ng kuryente upang maiwasan ang tripping at power interruptions.

 

Comments are closed.