BILANG pinakamalaking power distribution utility ng bansa, ang Manila Electric Co. (Meralco) ay nangunguna sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Bukod ng pangako nitong maghahatid ng maaasahan, sapat at ligtas na serbisyo ng koryente sa mga customer, ang Meralco ay aktibo ring sumusuporta sa pagsisikap ng pamahalaan na maisulong ang ekonomiya tungo sa post-pandemic recovery.
Ang kompanya ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura at sa pagpapalakas sa mahahalagang pasilidad na tutugon sa kagyat at pangmatagalang pangangailangan ng mga Filipino.