MERALCO: WALANG ROTATING BROWNOUT SA LUZON

meralco

SINIGURO ng Meralco na walang magaganap na rotating brownout sa Luzon ngayong Sabado sa kabila ng manipis na reserbang koryente, ayon sa pahayag ni Joe Zaldarriaga ng Meralco at sapat ang kanilang suplay ng koryente.

“Wala talagang possibility ng rotating brownout. Malaki ang reserba,” mensahe niya sa isang panayam.

Dahil sa pagpalya ng maraming planta, numipis noong Biyernes, sa ikatlong sunod na araw ang reserbang koryente sa Luzon.

Idinahilan nila na isa ang tindi ng init kung bakit tatlong araw nang yellow alert o manipis ang reserbang koryente.

Nagbabala na rin si Zaldarriaga na bagama’t hindi ito nagdulot ng brownout, posible naman itong magpamahal sa singil sa koryente sa Hulyo.

Comments are closed.