IPINAHAYAG ni National Capital Region Police Office chief, Brigadier Debold Sinas na ang mga pulis na nakatalaga sa 30th Southeast Asian Games upang masiguro ang safety and order sa buong panahon ng paglalaro ng mga atlera ay makakatanggap ng allowance kada araw.
“Lahat ‘yan sa first pa lang na deployment, you receive P500 saka P100, for the allowance and cellphone load tapos daily mayroon pa ‘yang pagkain, P100 per meal—three times po ‘yan,” ayon kay Sinas.
Dalawang shift ang kanilang isasagawa bilang bahagi ng security measure ng SEA games.
“Maski sa gabi ka naka-shift, mayroon kang allowance na P300,” ayon kay Sinas at dagdag pa nito na ang meal allowance ay matatangap lamang ng mga pulis sa kanilang isasagawang daily accounting.
Pahayag pa ni Sinas na nasa 10,000 security forces ang naka-deploy na sa ilang bahagi ng Metro Manila na ang 8,000 ay mga pulis samantalng ang 2,000 ay galing naman sa kanilang counterpart na mga militar.
Dagdag pa nito, na ang mga pulis na naka-deploy sa SEA Games ay handa na upang tugunan ang kanilang mga responsibilidad sa panahon ng SEA Games.
Nasa 27,000 pulis ang naka-deploy na sa apat ng region ng bansa kung saan gaganapin ang iba’t ibang sports events.
Ayon pa kay Sinas, nasa 1,680 atleta na ang dumating sa bansa at kasalukuyan ngayong nanunuluyan sa mga hotel sa Metro Manila.
“As of now, 6 a.m., 1,680 athletes na po ang dumating sa lahat ng 27 billet areas. There are 30 billet areas, ‘yung tatlo wala pa po naka-schedule pa po sa December ang arrival noon,” ayon kay Sinas.
Ang crime rate sa capital region simula Nobyember 25 hangang 28, 2019 ay bumaba dahil sa heightened police visibility. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.