MANANATILI sa Alert level 1 ang Metro Manila simula Marso 16 hanggang Marso 31.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, hiwalay pa ito sa 47 lugar sa Pilipinas na naibaba na rin sa Alert level 1.
Kasama sa Alert level 1 ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela and Quirino; Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; at Region V: Naga City at Catanduanes.
Sa Visayas: Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City; Region VII: Cebu City at Siquijor; at Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.
Sa Mindanao: Region IX: Zamboanga City; Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin; Region XI: Davao City; at CARAGA: Butuan City.
Ayon kay Andanar, ang mga hindi nabanggit na lugar ay nasa Alert Level 2 mula Marso 16 hanggang 31.