ANG Metro Manila ang nakakuha ng pinakamaraming alokasyon ng Sinovac vaccine mula China habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pinakakaunting nakuhang alokasyon.
Sa televised press briefing kahapon ay iprinisinta ni Presidential Spokesman Harry Roque ang allocation list ng nabanggit na anti-COVID-19 vaccine na naipamahagi sa iba’tibang rehiyon alas- 4:00 ng hapon noong Marso 1.
Base sa allocation list, ang “eligible population” mula sa iba’tibang COVID-19 referral hospitals sa National Capital Region ay nasa 130,742 habang ang sa BARMM naman ay may alokasyon para sa 940 health workers mula sa mga referral hospitals sa rehiyon.
Ang Region III o Central Luzon ang pumapangalawa sa may malaking alokasyon para sa 11,537 indibiduwal mula sa mga referral hospitals doon.
Ang alokasyon sa mga rehiyon ay ang mga sumusunod: Cordillera Administrative Region- 3,279 health workers; Region I- 7,092; Region II -4,994; Region IV-A – 1,115; Region IV-B- 1,562; Region V- 5,191; Region VI- 8,438; Region VII- 13,923; Region VIII- 3,935; Region IX 3,417; Region X- 7,239; Region XI- 8,004; Region XII- 8,705; at Caraga, 3,044.
Sinimulan ang pagbabakuna sa mga health worker noong Lunes makaraang dumating sa bansa noong Linggo ng hapon ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China sa Filipinas. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.