BUKOD sa 24 na lalawigan, namemeligro ring tamaan ng tagtuyot ang Metro Manila simula sa Enero ng susunod na taon sa gitna nang nagbabadyang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, nakararanas na rin ng tagtuyot ang mga lalawigan ng Tarlac at Isabela, simula pa noong Hunyo.
Apektado rin ang Apayao, Cagayan at Kalinga ng dry spells habang nanganganib din ang iba pang lugar sa Luzon.
Idinedeklara ang tagtuyot kapag below normal ang pag-ulan sa limang magkakasunod na buwan.
Samantala, patuloy ang pagbaba ng water level sa Angat dam, sa Bulacan na pangunahing nagsu-supply sa Metro Manila. DWIZ882