MGA ANAK SA LABAS NI BONG REVILLA MAKIKILALA NATIN

Inamin ni Sen. Bong Revilla na hindi iisa ang mga anak niya sa labas, at ipakikilala niya ang mga ito sa tamang panahon.

Hindi raw niya ikinahihiya ang mga ito, ngunit gusto niyang protektahan ang kanilang privacy. Ipakikilala umano niya ang mga ito kapag handa na sila.

Alam umano ito ng kanyang miss na si Lani Mercado. Nagalit umano ito noong una, ngunit malawak umano ang pang-unawa ni Lani at hindi isinali sa galit niya ang mga bunga ng kanyang pagkakamali.

Aminado rin ang action star turned politician na kung hindi malawak ang pasensya at pag-unawa ng kanyang misis ay baka matagal na silang broken family. Napakarami na umano nilang pinagdaanan, at kung hindi sa tatag ni Lani, baka hindi niya naabot ang kung anong meron siya ngayon.