MGA ARMAS ISUKO PARA SA MAPAYAPANG HALALAN SA 2025

CAVITE – MATAPOS ang walong araw na  pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbong kandidato sa darating na Midterm Election 2025 ay puspusan na ang panawagan ng Cavite – Phi­lippine National Police sa lahat na mga may hawak na hindi lisensyadong mga baril.

Nauna nang napa­ulat ang pagsuko ng baril nina 3rd District Representative Cong. AJ Advincula at ni incumbent Mayor Alex Advincula ng Imus City sa pulisya matapos ang kanilang pagpafile ng COC.

Naiturn-over ang mga baril ng dalawang politiko kay Imus City Officer Incharge PltCol. Alfie Salang nitong Martes, Oktubre 8, 2024.

Sa panayam kay Pltcol Alfie Salang, hinihikayat ng kanilang hanay para mga tatakbong politiko at mga supporters nito na magvoluntary surrender ng  kanila  mga baril upang makaiwas sa anumang problema at gawing mapayapa  ang  darating na eleksyon.

Sa ngayon ay patuloy ang paghikayat ng pulisya sa lahat ng mga lalahok sa halalan na isurender na ang kanilang mga baril.

SID SAMANIEGO