MGA ARTISTANG NAGMAMAY-ARI NG IBA’T IBANG FARM

farm

ILANG dekada na ang farm ni Susan Roces, sa may Lipa Batangas at noong entra eksenanabubuhay pa si FPJ ay sabay silang nagpupunta roon ni Manang Inday Susan. Isa raw sa attraction sa farm ni Tita Susan ay ang pananim niyang dragon fruit na kanyang ipinangreregalo sa mga kasamahan sa industriya at lahat ng mga nakatatanggap nito ay kanilang ipino-post sa kanilang social media account tulad ni Cherie Gil.

Nasa Lucban, Quezon naman ang farm ni Zsa Zsa Padilla at architect partner na si Conrad Onglao na pinangalanan ng couple na Casa Esperanza. Majority ng kanilang tanim dito ay gulay at saging.

Maging si Lorna Tolentino ay matagal nang farmer at owner ng Vera Grace Farm sa Cavite at iba’t iba ang pananim ng magandang actress sa kanyang 5-hectare na farm. Madalas bitbitin ni LT dito ang kanyang apo kay Renz na si Tory.

Samantala, dahil sikat ang may-ari ay malakas sa walk-in customers ang farm ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na Sweet Spring Country Farm sa Alfonso, Cavite kung saan mga organic vegetables at fruits ang inyong mabibili rito. Bukas sila ng 8:00 AM araw-araw.

PROMISING ARTIST MIGZ COLOMA BABAWI SA NAUDLOT NA MALL SHOW

DAHIL sa sunod-sunod na events at ilang days na shoot ng first music video ng promising recording artist/dancer/model na si Migz Coloma ay nagkasakit ito at na-confine ng halos one week sa The Medical City.

Inakala ni Ma’am Ju­vy ay sa hospital sila magpapasko pero labis ang pasasalamat ni Ma’am Juvy (mother ni Migz) sa lahat ng mga dumalaw sa ospital at nagdasal para sa recovery ng minamahal na panganay.

Pinayuhan daw pala si Migz ng kanyang doctor na magpahinga muna at huwag tumanggap ng anumang commitment dahil “health is wealth.”

Samantala, dahil sa pagkakasakit ng binata ay na-postpone ang supposedly first mall show nito para sa promo, ng kanyang CD Lite album sa SM City Masinag. Humihingi si Migz ng paumanhin kanyang fans and supporters, at babawi na lang daw siya next year sa mga ito.

DAHIL MALAKAS SA SOCIAL MEDIA EAT BULAGA MAS PALALAWAKIN ANG DIGITAL PLATFORM

SA EXCLUSIVE interview ng GMANetwork.com kay Direk Mike Tuviera sa contract signing ng APT Entertainment at Cignal TV para sa launch ng bagong comedy channel sa 2020, APT Entertainment CEO and direk Mike shared how they plan to increase the show’s digital reach.

“Ang daming plano ng Eat Bulaga in terms of digital, they have one of the largest Facebook pages, we are very, very proud of that. “They are very, very strong in Twitter, to the point na actually people from Twitter came here to coordinate with us, kasi nga ang lakas ng integration ng social media with Eat Bulaga.” Tuviera added that they are also boosting their Eat Bulaga merchandise to cater to online demand.

“Ngayon naman ang parang ginagawa, sinusubukan namin gawin with Eat Bulaga is merchandising also, kasi isa ‘yun sa malaki sa social media na people really buy online eh,” sambit pa ng director. At tama si Direk Mike, dahil nasa over 16.1 million na ang followers ng EB sa kanilang official Facebook Fan Page, 3.6 million Twitter friends and mahigit 2.3 million followers din sa kanilang Instagram.

Comments are closed.