ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong ambassador sa iba’t ibang bansa ng Europa at Africa upang magabayan ang mga overseas Filipino worker (OFW) doon.
Sa Kazakhstan, itinalaga ng Pangulo si Edward Fereira na may terminong anim na buwan, habang ang dating envoy sa South Korea na si Raul Hernandez ay itinalaga sa Turkey, at sakop din niya ang Georgia at Azerbaijan.
Sa Poland, itinalaga si Lea Ruiz at Alex Chua sa Kenya.
Sakop din ng hurisdiksiyon ni Ruiz ang Ukraine, Latvia at Lithuania habagn si Chua ay magiging envoy rin sa Burundi, Comoros, Congo, Malawi, Rwanda, Seychelles, Somalia, Tanzania, Uganda at South Sudan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.