MGA BAGONG PACKAGING SA SUGARY DRINK ILALABAS NA

Secretary Ramon Lopez

ILANG linggo na lamang at ilalabas na ang mga bagong disenyo sa harap na packaging ng mga inuming may high sugar content ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, naisumite na sa Food and Drug Authority (FDA) ang kanilang inirerekomendang disenyo.

“We are consolidating reports on this, and in a few weeks we will decide on the design of the front of packaging,” sabi pa ni Lopez.

Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang may kagustuhan na baguhin ang front packaging ng mga ito para malaman ng mga konsyumer kung gaano karami ang sugar content at maipakita ang masamang epekto nito gaya ng obesity, diabetes at sakit sa puso.

Makikita naman sa mga lumang packaging ang sugar content ng mga ito, pero nasa likod. Ngunit gusto ng Presidente na makita agad ng konsyumer na malaking bahagi ng mga inuming ito ay ang mataas na sugar content, dagdag pa ni Lopez sa isang media briefing sa Malakanyang.

Nag-usap na ang mga opisyal ng DTI at stakeholders para sa konsultasyon at kung ano-ano ang mga produktong magkakaroon ng sugar content information.

Kamakailan lamang, inanunsiyo ng DTI na ang magiging standard at government-imposed na label sa front packaging ay naglalaman lang ng sugar content at hindi health warning na resulta ng pag-uusap ng gobyerno at mga pribadong sektor. LYKA NAVARROSA

Comments are closed.