MGA BATA BAWAL MANGAROLING

karoling

MAHIGPIT na ipinagbabawal sa Valenzuela City ang paglalabas ng kabataan na kung saan ay kinasanayan na ang pangangaroling sa bahay-bahay o maging sa kalsada habang ok naman ang electronic o digital carolling.

Sa bisa ng Ordinance No. 824, Series of 2020,  hindi pinahihintulutan ang sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling simula Disyembre 1 hanggang Enero 4, 2021 bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19.

Itinakda ang administrative penalty na P5,000 sa bawat paglabag o community service.

Ang mga hindi susunod sa administrative penalty ay pagmumultahin ng P5,000 o makukulong ng hindi lalagpas sa 30 araw o pareho depende sa korte.

Para sa mga lalabag na 17-anyos pababa, kailangang sumailalim sila sa intervention program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Kung ang nahuling menor-de-edad ay hindi susunod sa interventiopm program, mananagot ang kanyang magulang sa ilalim ng Cod of Parental Responsibility. VICK TANES

Comments are closed.