MGA BAWAL SA TRASLACION INILABAS NG QUIAPO CHURCH

NAGLABAS na ng pormal na abiso at mga paalala ang pamunuan ng Quiapo Church sa mga ‘dapat’ at ‘hindi dapat’ gawin sa gaganaping Traslacion at pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Nazareno 2024.

Ang mga sumusunod ay ang mga HINDI DAPAT gawin:

– Bawal sumampa sa Andas upang makita ang Mahal na Poong Jesus Nazareno
– Huwag magtulakan upang walang nasaktan
– Huwag na magdala ng maraming gamit o malaking mga bags. Kung magdadala ng bag, mas mainam na ito ay “transparent bag” upang mas madali ang pag-iinspeksyon ng mga ito.

Mga DAPAT gawin;
– Maari pa rin maghagis ng panyo upang maipunas sa Mahal na Poong Jesus Nazareno
– May pasanan pa rin ng pingga at paghila sa lubid, gawin ito ng maayos at may lubos na pag-iingat.
-Sa mga may karamdaman at mga bata, mag-abang na lang sa gilid ng kalsada para sa kanilang kaligtasan.
-Bago magsimula ang Traslacion, huwag kalimutan na kumain na upang may sapat na lakas habang dumadaloy ang Traslacion.

Kaugnay ng aktibidad, magpapatupad ang pulisya ng ilang paghihigpit sa mga kontroladong lugar sa harap ng Simbahan ng Quiapo gayundin sa mga kalsada sa paligid ng Simbahan .

Magpapakalat din ng 15,000 police personnel upang matiyak ang seguridad sa aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno ngunit sa mismong Traslacion ay mahigit 5,600 personnel ang inisyal na idedeploy. PAUL ROLDAN