MGA BENEPISYO NG MAHARLIKA INVESTMENT FUND

ANG Maharlika Investment Fund Act ay ganap nang batas matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang panukala noong Hulyo 18, 2023. 

Ito ay isang sovereign wealth fund na gagamitin ang mga ari-arian ng estado para sa mga pamumuhunan na makakalikha ng karagdagsng pondo para sa publiko.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang MIF ay napakahalagang hakbang para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Layunin nitong pondohan ang mga proyekto sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, agrikultura at iba pa at inaasahan ding makatutulong ito sa mga mahihirap at negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad at benepisyo.

Gayunman, mayroon ding mga kritiko at pagdududa sa MIF. Ilang mambabatas ang nagpahayag ng kanilang mga alinlangan at pagtutol sa batas dahil sa kakulangan umano ng transparency, accountability at oversigth mecanisms nito.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanyang tunay na layunin sa pagbuo ng MIF ay upang itulak ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pondo ng estado sa mga pamumuhunang may mataas na potensiyal na kita at benepisyo.

Ang MIF ay sinasabing isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbabago ng bansa.

Sa MIF ay inaasahang makikinabang ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming trabaho, serbisyo, imprastraktura at iba pang mga programa na makatutugon sa mga pangangailangan at hamon ng lipunan.

Ang MIF ay magbibigay rin ng dagdag na kita para sa gobyerno na maaaring gamitin para sa iba pang mga gastusin.

Gayunman, hindi lahat ay naniniwala na magiging matagumpay ang implementasyon ng MIF. Mayroon ding mga nagsasabi na ang MIF ay isang panganib na hakbang na maaaring magdulot ng mas malaking utang, korupsiyon at pagsasamantala sa mga yaman ng bayan.

Ang pondong gagamitin ng MIF ay manggagaling sa mga sumusunod:

1. 100% ng mga dividends mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

2. P50 bilyon mula sa Land Bank of the Philippines (LBP).

3. P50 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).

4. 50% ng mga dividends mula sa iba pang Government-Owned and Control Corporations (GOCC).

5. 50% ng mga kita mula sa mga ari-arian ng estado na ibinenta o ipinagbili.

6. 50% ng mga kita mula sa mga natural resources na ginamit o ibinenta.

7. At mga donasyon, grants at iba pang mga pondo mula sa loob at labas ng bansa.

Ang MIF ay pamamahalaan ng isang board of trustees na binubuo ng 11 miyembro.

Ang board ay magtatalaga ng isang fund manager na siyang magpapatakbo at magpapasya sa mga pamumuhunan ng MIF.

Ang fund manager ay dapat na isang propesyunal na may karanasan at kakayahan sa larangan ng finance investment. Ang board of trustees ay mananagot sa Kongreso at sa publiko para sa pagbabantay at pag-uulat sa kalagayan at performance ng MIF. Ang board ay dapat magsumite ng isang taunang ulat na naglalaman ng mga detalye tungkol sa mga pondo, pamumuhunan, kita, gastos, at iba pang mga aspeto ng MIF.

Ang batas ay naglalaman din ng ilang mga mekanismo para maiwasan ang korupsiyon at pagsasamantala sa MIF at ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang MIF ay hindi maaaring gamitin para sa pagbabayad ng utang, pondo sa eleksiyon, pork barrel o iba pang mga personal na gastusin.

2. Ang MIF ay hindi maaaring gamitin para sa pagbili o pagpapautang sa mga kumpanya o indibidwal na may kaugnayan sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga miyembro ng Gabinete, Konreso, Hudikatura o iba pang mga opisyal ng gobyerno.

3. Ang MIF ay hindi maaaring gamitin para sa pagbili o pagpapautang sa mga kompanya o indibidwal na may kasong kriminal, sibil o adminidtratibo.

4. Ang MIF ay hindi maaaring gamitin para sa pagbili o pagpapautang sa mga kompanya o indibidwal na may negatibong record sa environmental, social o government standards.

5. Ang MIF ay dapat sumunod sa mga batas at regulasyon tungkol sa anti-money laundering, anti-graft and corruotion, freedom of information at iba pa.