(Mga constituent nangamba sa record high 14,749 new cases ng COVID-19) LEAGUE OF PROVINCES NAIS ANG DAGDAG NA BAKUNA

ISABELA-UMAPELA ang mga miyembro ng League of Provinces in The Philippines (LPP) sa kinauukulan na maging mabilis ang vaccination sa kanilang mga nasasakupan upang madagdagan ang 10 porsyento na bakunado populasyon sa pamamagitan ng dagdag na suplay ng bakuna sa mga lalawigan.

Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, magpupulong ang lahat ng mga gobernador sa bansa, upang talakayin nila ang umano’y hindi pantas na pamamahagi ng bakuna sa mga lalawigan, na kung saan ay marami nang mga mamamayan ang nagagalit sa kanila dahil hindi agad mabakunahan gayung pataas ng pataas ang kaso ng COVID-19.

Kahapon ay naitala ang pinakamataas na bagong kaso na 14,749 na labis ipinangangamba ng mga hindi pa nababakunahan.

Sa nakuhang impormasyon sa Provincial Impormation Office (PIO) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, sinabi ni Gov. Rodito Albano ng Isabela, na galit narin umano ang kasama niyang mga punong lalawigan sa bansa dahil sa kulang ang ipinadadala ng pamahalaan na COVID-19 vaccine sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng mga kasapi ng LPP na sa lalong madaling panahon ay kinakailangan na madagdagan ang nasa 10% pa lamang ng populasyon ng nabakunahan sa Isabela.

Giit ni Albano, palagi umano siyang tumatawag kay Vaccine Czar Carlito Galvez ngunit kapag sinasabi na dadagdagan ang alokasyon ng Isabela ay umaabot lamang sa 3,000 Doses o 10,000 doses ang ipinapadala. IRENE V. GONZALES

8 thoughts on “(Mga constituent nangamba sa record high 14,749 new cases ng COVID-19) LEAGUE OF PROVINCES NAIS ANG DAGDAG NA BAKUNA”

  1. 398757 249396Maintain up the great piece of work, I read couple of posts on this internet website and I believe that your internet weblog is actually intriguing and contains lots of superb details. 385059

  2. 684265 109536You wouldnt feel it but Ive wasted all day digging for some articles about this. You might be a lifesaver, it was an exceptional read and has helped me out to no end. Cheers! 311733

  3. 231250 780159I wish I had a dime for every bad write-up Ive read lately. I also wish other writers had your talent and style. Thank you. 468781

Comments are closed.