TUTUTUKAN ng Department of the Interiors and Local Government (DILG) ang mga corrupt na local officials sa utos na rin ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang pulungin niya ang mga ito matapos ang kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, inihayag ng Pangulo ang kanyang pagkadismaya sa umiiral na talamak na korupsiyon sa gobyerno nang makaharap nito ang 95 porsiyento ng mga local chief executives na kinabibilangan ng mga mayor at governors sa Manila Hotel.
Sa nasabing pagtitipon, tinataya ng Pangulo na 60 porsiyento o tatlo sa bawat limang mayor ang nambababae o may kinakasama na posibleng mag-ing ugat ng korupsiyon sa gobyerno.
“Sabi ni Presidente, ang hula niya 60 percent ng mga mayor, may babae,” ani Densing sa isang panayam sa media.
“Good governance is issue ng pangangailangan ng mga mayor saka iyung mga pangangailangan nila bilang ordinaryong tao. Kung marami sa ka-nila ang nambababae, parang mas malaki ang requirement nila na magkaroon ng pera sa bulsa nila,” anang opisyal.
Ito ang dahilan kaya binalaan ng Chief Executive ang mga local na opisyal ng gobyerno na manatiling tapat sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Kabilang sa matinding paalala ng Presidente sa mga local official na huwag na huwag masasangkot sa illegal drug trade.
“Kasi nasa huling tatlong taon na po siya ng kaniyang panunungkulan, nire-emphasize n’ya lang na ‘wag talagang maging involved sa ilegal na droga iyung mga local chief executives,” ani Densing. VERLIN RUIZ
Comments are closed.