MGA DAYUHAN 2 TAON STRANDED SA NAIA

Dana Sandoval

DALAWANG foreign national ang dalawang taon nang  stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2,  mula pa nang dumating ang mga ito sa bansa.

Kinilala ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval ang dalawang dayuhan  na sina Jhonson Emmanuel Josiah, 42 anyos,  ng Liberia  at Alain Njogho, 32 anyos, na  isang Cameroonian national.

Ayon sa impormasyon,  dumating si Josiah sa bansa noong April 21, 2019, sakay ng Phillipine Airlines flight PR-383 galing sa Guang-zhuo, China, at si  Njogho ay noong April 4, 2019, bilang isang transit passengers galing sa  Bangkok, Thailand.

Ayon kay Sandoval,  nag- apply siya sa bansa ng asylum, ngunit denied ang kanilang application sa hindi binanggit na rason.

Minabuti na i-turn over ang mga ito sa kamay ng mga taga airline upang sila ang gumawa ng paraan para makabalik ang dalawa sa kanilang mga bansa.

Ang dalawa ay nananatili sa transit lounge ng NAIA terminal 2. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.