MGA HULA NI NOSTRADAMUS NA NAGKATOTOO

Ang tunay niyang pa­ngalan ay Michel de Nostredame, pero mas kilala siya sa tawag na Nostradamus, isang pilosopong Pranses, duktor at kilalang nakakakita ng hinaharap. Lalo pa siyang kilala sa kanyang librong 1555 book Les Prophéties, na may 942 poetic quatrains, na pinaniniwalaan ng maraming nagsasabi ng hinaharap. So, ano ang mga nagkatotoo na sa kanyang mga hula?

Lindol sa California

Sa sinulat ni Nostradamus, “The par full of rocks and great disaster, through the West and Lombardy, the fire in the ship, the plague and captivity, Mercury in Sagittarius, Saturn fading.” Iniisip ng maraming ang California ang land in the West, na magkakaroon ng malakas na lindol – na lagi namang nangyayari dito.

 

 

 

Rise Of The Living Dead

Ayon kay Nostradamus, may virus na aksidenteng mapapakawalan sa mundo mula sa isang Russian scientist na magiging sanhi upang magkaroon ng tinatawag na half dead monsters. Aniya: “the disease makes them a monster, the ruler will be no more, the whole world must end.” Malamang, COVID 19 ang tinutukoy dito – pero duda ako dahil galing ito sa China at hind isa Russia.

May mga viral posts na may guidelines daw ang Centers for Disease Control para ay may mga guidelines para makalusot sa umano’y parating na zombie apocalypse. Pero walang “Zombie Preparedness” ang CDC. Kung meron man, paghahanda lamang sa buhawi, lindol, baha at iba pang natural disasters.