WALANG sintomas ng sakit o asymptomatic sa novel coronavirus (nCoV) ang 32 mula sa 45 mga Pinoy na dumating sa bansa matapos silang ilikas ng pamahalaan mula sa Hubei, China na pinag-ugatan ng nakamamatay na sakit.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga naturang Pinoy ay kasamang dumating kahapon ng 5-member team ng Department of Health at 3-member team ng Department of Foreign Affairs (DFA), na sumundo sa kanila mula sa Hubei.
Lumapag ang grupo sa Haribon Hangar, Air Force City, Clark Air Base, Pampanga, at kaagad na inihatid sa New Clark City upang isailalim sa 14-day quarantine.
Anang DOH, sumailalim muna ang mga Pinoy sa tatlong antas ng screening bago sila pinayagang makalipad pauwi ng Filipinas.
Bago pinasakay ng eroplano, inalam muna kung symptomatic, o kakikitaan ng sintomas ng sakit ang mga Pinoy, at tanging ang mga asymptomatic o walang sintomas ng sakit ang pinayagan.
Habang sakay naman ng eroplano, masusing minonitor ang mga Pinoy at ang makitaan ng sintomas ng sakit ay ihihiwalay at ilalagay sa likurang bahagi ng eroplano.
Bago naman tuluyang bumaba ng eroplano, muling isinailalim sa assessment ang mga Pinoy upang matukoy kung may karamdaman o wala.
Kung matutukoy na may karamdaman ay ididiretso sa pagamutan upang malunasan, habang ang mga walang sintomas ay idiniretso sa quarantine facility.
Lahat naman umano ng 32 Pinoy na dumating sa bansa ay hindi nakitaan ng sakit, kaya’t pawang idiniretso sa New Clark City facility para sa close monitoring at observation sa loob ng 14-araw.
Tiniyak naman ng pamahalaan na ang mga repatriates ay well-accommodated at closely monitored sa New Clark City, at lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga ito ay naipagkaloob sa kanila, gaya ng hygiene kits at pagkain.
CODE BLUE ALERT SA LAHAT NG OSPITAL SA CENTRAL LUZON
Nagdeklara na ang DOH – Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ng code blue sa lahat ng government at provincial hospitals; provincial, city, at municipal health offices, at iba pang health facilities sa rehiyon upang mangasiwa sa mga pangangailangang medikal ng mga pinauwing OFW.
“If an individual, during his/her stay in the quarantine facility, suddenly shows signs and symptoms, the DOH had deployed medical teams to immediately assess and facilitate transfer to hospital for close monitoring, anang DOH.
“The DOH will be taking charge of the management, coordination, and logistics of the entire quarantine process. Rest assured that repatriated OFWs will be attended to and treated with utmost care. Regular monitoring will be conducted to ensure their health and safety.,” pagtiyak pa ng DOH. ANA ROSARIO HERNANDEZ
QUARANTINE AREA HANDANG-HANDA
MULING ginarantiyahan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na in-place ang inilatag na preventive measures sa Athletes Vil-lage sa Capas, Tarlac kung saan iku-quarantine ang mga Filipino mula sa Wuhan.
Ayon kay Año, tiniyak ng Department of Health na maayos ang ikinasang preventive measures sa ginawang quarantine centers para sa mga pi-nalikas nag OFW.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng pamahalaang lokal ng Capas na umalma sa planong pag-quarantine sa area sa mga balikbayan na sinabayan pa ng kilos protesta ng ilang residente na natatakot nahawa at maapektuhan maging ang kanilang ekonomiya.
Pahayag ni Año, kanilang kinokonsidera ang sentimiyento ng pamahalaang lokal ng Capas, subalit nakapagdesisyon na ang national government na dito dalhin ang mga repatriated Filipinos.
Giit ng kalihim na ang mga OFW ay mga Filipino rin na nangangailangan ng pang-unawa.
Pagdating ng Filipinas, ligtas na inilipat ang mga Filipino mula sa eroplano patungo sa mga bus para madala sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac.
Matatandaang lumipad ang team ng DFA sa Maynila patungong Wuhan City, Sabado ng gabi, para masundo ang mga ito.
Agad silang sinalubong ng mga tauhan ng DFA at DOH team at matapos ang ilang minutong pagsusuri ay isinakay na sa coaster patungo sa quar-antine area. VERLIN RUIZ
Comments are closed.