MGA INISYATIBA TUNGO SA PANGANGALAGA NG KULTURANG PINOY

(Pagpapatuloy…)
ANG National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang nangangasiwa ng National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA), at kapapalabas lamang ng NCCA kamakailan ng kanilang call for proposals para sa programang ito para sa taong 2025. Ang deadline ng pagsusumite ng mga proposal ay sa Agosto 31, 2024.

Nagbibigay ang NCCA ng mga grant para sa mga manlilikha at mga grupong pangkultura na ang mga proyekto ay may ambag sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino. Ang NCCA ay nagbibigay ng suportang pinansiyal sa mga proyekto na naglalayong paunlarin, protektahan, panatilihin, at ipalaganap ang mga impormasyon kaugnay ng sining at kultura ng Pilipinas. Upang malaman kung ano ang mga prayoridad na proyekto para sa taong 2025, maaaring bisitahin ng mga interesado ang [NCCA Competitive Grants Program](https://ncca.gov.ph/ncca-competitive-grants-program/).

Bukod pa rito, may oportunidad para sa mga publisher sa Pilipinas na magpakita o mag-display ng kanilang mga publikasyon sa Frankfurter Buchmesse (FBM) 2024. Ang National Book Development Board (NBDB) ay naglabas ng isang panawagan para sa mga aklat; maaaring magsumite ang mga publisher ng mga kopya ng kanilang mga publikasyon hanggang Hulyo 14, 2024 upang maisama sa Rights Catalog at Book Sales Display sa FBM 2024. Ang mga mapipiling publisher ay aabisuhan tungkol sa kanilang mga aprubadong pamagat sa Hulyo 30, 2024.

Kinilala bilang una at pinakamahalagang pandaigdigang plataporma sa industriya ng publikasyon (publishing), ang Frankfurter Buchmesse, o Frankfurt Book Fair (FBF), ay nagbibigay ng natatanging pagkakataon para sa rights selling at mas malawak na pagkilala para sa mga aklat sa iba’t ibang propesyonal sa industriya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga interesadong publisher ang [Open Call for Books 2024](https://books.gov.ph/OpenCallforBooks2024).