MAYORYA ng mga Filipino ang nagsasabing mahalaga na mabawi ng gobyerno ng Filipinas ang kontrol sa mga pulo na inookupahan ngayon ng China sa bahagi ng West Philippine Sea,
Ayon sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) nasa 93 porsiyento ng mga Filipino na nasa tamang edad ang nagsasabing dapat na mabawi ng Philippine government ang kontrol sa mga occupied island ng China sa nasabing lugar.
Tumaas din umano ang bilang ng mga Filipino na sumasang-ayon na hindi dapat pabayaan na lamang basta ang China sa kanil-ang mga itinayong istruktura, na panahon na para palakasin ang military capability ng AFP at itaas na ang antas ng umiiral na terri-torial dispute sa international organizations, at ituloy ang alyansa sa ibang mga kaibigang bansa.
Sa survey result ng SWS nitong ikalawang quarter ng 2019 ay 74 porsiyento na mabawi ang mga teritoryo, habang 19 por-siyento ang nagsabing ang pagbawi ay ‘somewhat important’, at isang porsiyento ang nagsasabing ‘somewhat not important’ at isang porsiyento ang ‘not important at all.’
Habang apat na porsiyento naman ang nagsasabing wala silang paki o “undecided on the matter.”
Sa pinakahuling istatistika ay 93% ang nagsasabi na lubhang mahalaga na mabawi ng Filipinas ang kontrol sa mga China-occupied islands sa West Philippine Sea na mas mataas ng apat na puntos kumpara sa 89% (72% very important, 17% somewhat important) na naitala noong Disyembre 2018.
Lumilitaw rin na ang mga figure ay patuloy na tumataas kumpara sa nakalipas na tatlong taon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.