DARATING sa bansa ngayong Lunes ang mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa sunog sa Kuwait, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“Under the directive of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., and with the cooperation of the DFA, DMW, and OWWA, the remains of three OFWs who perished in a fire in the Al-Mangaf area of Kuwait City will arrive tomorrow afternoon, June 17, 2024,” pahayag ng OWWA sa isang statement nitong Linggo.
Inatasan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang OWWA Kuwait Post na bilisan ang kinakailangang documentation, kabilang ang letter of acceptance mula sa next of kin (NOK), para masiguro ang maayos na repatriation ng mga labi ng OFWs.
Gayundin ay inatasan ni Ignacio ang Regional Welfare Offices na agad makipag-ugnayan sa pamilya ng mga nasawi para sa kinakailangang suporta at tulong ng mga ito.
Tiniyak din ng OWWA na tinutugunan nila ang mga pangangailangan ng iba pa pang mga apektadong OFWs at ng kanilang mga pamilya matapos ang insidente.
LIZA SORIANO