MGA LABI NI PIMENTEL ILILIPAD SA CAGAYAN

Aquilino Pimentel

INILAGAY sa half mast ang bandila ng Fi­lipinas sa Senado sa flag raising ceremony kahapon ng umaga bilang pag-pupugay sa isa sa mga naging haligi nito.

Itinakda na rin ang necrological service para kay dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel sa Miyerkoles, Oktubre 23.

Kabilang sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at dating Senador Francisco Kit Tatad sa mga dumalaw  sa burol ni Pimentel sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Dadalhin naman ang labi ni Pimentel sa Cagayan De Oro City simula sa Miyerkoles ng hapon hanggang sa umaga ng Biyernes bago ibalik sa Metro Manila para sa paghahatid dito sa huling hantungan.

Si Pimentel ay namatay  sa edad na 85 dahil sa lymphoma at pneumonia.

Comments are closed.