MGA MANGGAGAWA HANGGANG SA LAYLAYAN NG LIPUNAN, PRAYORIDAD NI CONG. TULFO

Hindi lang mga poorest of the poor, senior citizens, persons with disabilities (PWDs) solo parents, kundi pati mga manggagawa at overseas Filipino workers (OFWs) ay ipaprayoridad ni Cong. Erwin Tulfo pagdating sa Senado.

Ito ang ipinangako ni Cong. Tulfo sa paghahain niya ng Certificate of Candidacy (COC sa pagkasenador sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Ayon kay Rep. Tulfo, “ok lang ituloy natin ang pagtulong sa mahihirap at bulnerable ng lipunan na makaahon dahil kulang o wala pa”.

“Pero at the same time, wag din nating kalimutan ang mga nasa gitna o mga manggagawa na kadalasan ay nakakalimutan bagamat sila ang malaking ambag sa ating ekonomiya”,  ani Tulfo.

“Problema kasi nila, paano paabutin ang kita hanggang sa susunod na sweldo”, dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, “dagdag sahod at magandang benefits kasama na, kung pwede, ang maayos na retirement package ay ipu-push natin”.

Tiniyak rin ng mambabatas na susuportahan niya ang Anti-Dynasty bill pag umabot sa punto na kailangan ng magbotohan sa Senado.

“Hindi lang naman ang Tulfo ang pwedeng tumakbo. Lahat pwedeng manungkulan, at maaring mas magaling pa sa aming magkakapatid”, ayon sa nakababatang kapatid ni Sen. Raffy tulfo.

Pero ngayon, ipinaubaya daw nila sa taumabayan kung gusto ng mga tao na may tatlong tulfo sa Senado.

Hiningi rin naman niya na bigyan siya kahit tatlong taon lang para ipakita ang kakayahang manungkulan sa Senado.

At kung hindi, siya ay bibitaw at hindi na paabutin pa ang 2031 reelection.

“Let’s give others a chance dahil wala ka namang silbi di ba?” aniya pa.