LABING – ISA katao ang nasawi sa magkahiwalay na lugar sa Region 4-A (Calabarzon) kahapon.
Sa Mendez, Cavite, dead on the spot ang dalawang lalaki nang sumalpok sa aksidente ang isang truck na puno ng mga buhangin nang mawalan ng preno.
Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck at inararo nito ang isang pampasaherong jeep, SUV at mga tricycle sa mataong bahagi ng kalsada malapit sa palengke at simbahan bago tuluyang bumangga sa isang puno.
Kasalukuyang inaalam ng Mendez-PNP ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi habang mayroon pang nasa 20 katao ang nasa ospital.
Nangyari ang sakuna pasado alas-7:00 ng umaga.
Ito ang ikalawang malagim na aksidente kahapon kung saan ang una ay sa Cardona, Rizal kung saan mayroong 9 na nasawi.
Sa ulat ng PNP Highway Patrol Group at Cardona PNP naganap ang vehicular accident sa bahagi ng LLDA sa Barangay Looc sa bayan ng Cardona, pasado alas-5:30 ng umaga
Sangkot sa aksidente ang isang dump truck, trailer truck at jeep.
Ayon kay Cardona Police Chief Police Captain Jhuner Mojares, isa sa mga truck ang nawalan ng preno at inararo ang mga sasakyan at ang mga nagja-jogging sa lugar.
Pahayag ni Capt. Juner Mojares, nangyari umano ang aksidente sa kurbadang bahagi o palusong na daanan kung saan nawalan ng preno ang isang truck na nagmula sa Binangonan.
Kabilang sa nasawi ang driver ng truck na nahulog sa bangin, ang pahinante ng jeep, driver at nadamay ang ilang mga bystander.
Habang ang mga sugatan na nasa 15 katao kung saan 10 ang nagtamo ng malubha ay isinugod sa mga ospital.
Sa mga larawan at video na kuha ng mga netizen, halos naputol ang mga bahagi ng katawan ng mga nasagasaan. MORALES/VERLIN RUIZ
Comments are closed.