TINATAYANG aabot sa P18.7 milyon ang halaga ng kinita ng Bureau of Customs sa public auction ng mga over-staying o abandoned container van kamakailan.
Ayon sa report mula sa pamunuan ng BOC, nasa 271 ang bilang ng mga container van ang sumailalim sa auction, kasama na rito ang 1,588 overstaying container na nakatengga sa Port of Manila, Port of Davao at Subic port.
Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) 10-2020, kinokonsidera na overstaying o inabandona ang isang kargamento kapag lumagpas sa 30 araw, at pinabayaan ng may ari o importer, at kapag hindi nag-apela ang mga may-ari, o naglabas ang BOC ng Decree of Abandonment na siyang magdedetermina para sa proper disposition.
Nakasaad din sa Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act, ang mga kumpiskadong goods o subject to disposition ay maaring i-donate ng Bureau of Customs o kaya i-public auction.
Ang goods na puwede pa o suitable for shelter katulad ng foodstuffs, clothing materials at mga medisina ay ido-donate naman ng BOC sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magamit sa kalamidad. FROI MORALLOS
Comments are closed.