HINIHILING ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga kamag-anak sa mga namatay na dayuhan na ipagbigay-alam sa kanilang opisina upang ma-update ang record ng mga ito, at makansela ang late alien registration.
Ayon kay Morente, sa ilalim ng 1950 alien registration act, nire-require ng batas na ito sa mga magulang, o kamag-anak na in charge sa burial ng deceased alien na i- surrender ang alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) nito sa kanilang opisina para sa cancellation and deactivation.
Ayon kay Atty. Jose Carlitos Licas, hepe ng BI Alien Registration Office, nasa kanilang mga kamay ang pag-monitor ng arrival, presence, activities. departure, re-entry at death ng mga dayuhan na naninirahan sa bansa.
Batay sa talaan ng ahensiyang ito, mula Enero 2021, umaabot na sa 1,222 ang bilang ng ACRI-Cards ang kanilang ipinakansela, dahil sa pagmatay ng mga may hawak ng card na ito. F MORALLOS
607325 494609I came across this good from you out of sheer luck and never feel lucky enough to say also credit you for any job effectively done. 318070
249570 425778Enjoyed reading this, extremely good stuff, appreciate it. 931170