UNITED ARAB EMIRATES – MISTULANG nag-holiday break ang mga overseas Filipino worker sa kanilang pinapasukan sa Abu Dhabi at pinilit na dumalo sa makasaysayang misa na pinangunahan ni Pope Francis sa Zayed Sports City kahapon.
Nananabik na ang mga Pinoy na makita at makaharap ang pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.
Inaasahang dadaluhan ang nasabing misa ni Pope Francis ng tinatayang mahigit sa 120,000 katao mula sa iba’t ibang lahi.
Nabatid na mayroon ding live-streaming ng papal mass sa lahat ng Catholic churches sa Middle East.
Ang tatlong araw na biyahe ng Santo Papa ang kauna-unahang papal visit sa Arabian Peninsula kung saan ipinanganak ang relihiyong Islam.
Noong Martes ay bumisita ang Santo Papa sa Grand Mosque at nakipagpulong sa mga kasapi ng Muslim Council of El-ders na sinundan ng International Interfaith Meeting sa Founder’s Memorial. AIMEE ANOC