NEGROS ORIENTAL – IPINAALAM ng kaanak ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Bangladesh na taga Bacolod City na labis silang nag-iingat dahil sa nagpapatuloy na road safety rally ng mga estudyante.
Sinabi ni Jane na tumawag ang kaniyang tiyahin mula sa Bangladesh upang hindi sila mag-aalala sa kanilang kaligtasan.
Batay sa kuwento ng OFW na si alyas Daniella, nag-adjust ng oras ang mga Pinoy sa nasabing bansa upang makapasok sa kanilang mga trabaho para hindi maipit sa protesta ng mga mag-aaral tuwing alas-9:00 ng umaga.
Habang tuwing uwian ay kanya-kanyang kumustahan sila sa sitwasyon ng mga daan.
Kamakailan ay naharang ang sinasakyan ni Daniella para inspeksyunin kung may lisensiya ang driver nito.
May ilang estudyante pa umano na umaaktong traffic enforcer para lang masiguro na lisensyado ang mga nagmamaneho ng sasakyan sa mga lansangan, kung saan nauuwi sa sakitan ang mga nagpupumilit magmaneho nang walang lisensiya.
Nag-ugat ang protesta matapos dalawang mag-aaral ang nasawi dahil sa pag-aagawan ng dalawang bus sa pagkuha ng mga pasahero.
Bukod sa traffic, apektado na rin umano ang koneksiyon ng internet sa buong bansa dahil sa pagpapahina rito ng pamahalaan para mabawasan ang live footages ng mga eksena sa rally. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.