TRIPOLI – NAGMAMATIGAS ang ilang overseas Filipino worker na nasa Libya sa apela ng Philippine government na umuwi na sa Filipinas bunsod ng kaguluhan doon.
Una nang pinatupad ng Filipinas ang mandatory evacuation sa mga OFW lalo na nasa 100 kilometer radius sa Tripoli.
Samantala, giit ng isa sa mga OFW na malayo naman sila sa kaguluhan at kung uuwi sa Filipinas ay wala naman anila silang magiging hanapbuhay.
Paliwanag pa ng OFW na taga-La Union, ayaw nilang sayangin ang pagkakataong kumita sa Libya habang maayos naman ang kanilang kalagayan doon at maging ang kanilang mga amo ay maganda ang pakikitungo sa kanila.
Ikinumpara pa nito ang sitwasyon dati sa Marawi City na malayo sa Luzon.
“Malayo kami sa kaguluhan. Maayos ang buhay ng pamilya namin dito. Kumbaga, ang gulo nasa Marawi, kami nakatira sa Luzon,” ayon pa sa OFW. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.