MGA OSPITAL SA CEBU CITY ‘UMAPAW’

covid patient

CENTRAL VISAYAS- DAHIL sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 at iba pang sakit, napupuno na at halos lumagpas na sa kanilang kapasidad ang ilang mga ospital sa Cebu City.

Ito ang inhayag ni Dr. Evelyn Alesna, dating pangulo ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease-Cebu Chapter, bunsod na rin ng mabilis na pag-akyat ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Ayon kay Alesna, may mga pagkakataong umaabot sa 40 mga pasyente ang kinakailangan niyang suriin sa kada araw habang ang iba aniyang kasamahang doktor ay umaabot sa 60 pasyente kada araw.

Sa katunayan pa aniya, may pagkakataong umabot sa 50 pasyente ang isinugod sa ospital ng Cebu City Medical Center na mayroon lamang kapasidad ng hanggang labing lima.

Dagdag ni Alesna, hindi rin aniya real time ang pag-ulat sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City na kasalukuyan nang lumagpas sa 4,000. DWIZ 882AM

Comments are closed.