MGA PAGBABAGO SA TEKNOLOHIYA NA DAPAT ABANGAN SA 2025

HABANG papasok tayo sa taong 2025, alam nating lahat na maraming malalaking pagbabago ang magaganap sa larangan ng teknolohiya at ang mga ito ay makaaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay at sa ating mga trabaho.

Hindi lamang tungkol sa pagpapabilis o pagpapalawak ng koneksiyon ang mga bagong teknolohiyang ito; may malaking kaugnayan din ang mga ito sa pandaigdigang hamon gaya ng climate change at cybersecurity.

May mga magaganap na mahalagang pagbabago sa mundo ng artificial intelligence (AI) pagsapit ng 2025. Sa halip na centralized servers lamang ang inaasahan, magsisimulang iproseso ng AI ang impormasyon mula sa mga local devices gaya ng smartphones at gadgets. Ang pagbabagong ito ay lalo pang magpapabilis sa mga bagay-bagay.

Sinasabi rin ng mga eksperto na mamamayagpag lalo ang agentic AI — mga autonomous systems na kayang gumawa ng sariling desisyon. Halimbawa, ang pag-ooptimize ng mga supply chains batay sa real-time data.

Ang usapin ng sustainability, na naging sentro ng atensiyon nitong mga nakaraang taon, ay lalo pang magiging makabuluhan ngayong darating na taon. Lalo pang itutulak ang mas maraming kompanya na tumutok sa mga inobasyon at teknolohiyang magpapabawas ng environmental impact na kanilang negosyo.

 Magsasama ang renewable energy sources at smart technology, na siyang tutulong sa mga kumpanya na bawasan ang kanilang carbon footprints habang pinapabuti naman ang kanilang operations.

Sa mundo naman ng quantum computing, makikita ang aktwal na aplikasyon ng teknolohiyang ito sa iba’t ibang larangan pagsapit ng 2025, na magpapabago sa mga bagay gaya ng pagtuklas ng gamot, climate mo­deling, cybersecurity, at iba pa. Habang mas maraming organisasyon ang namumuhunan sa pananaliksik at pag-unlad ng quantum computing, maaari tayong makakita ng makabuluhang pag-unlad sa paglutas natin sa problema sa agham, pananalapi, logistics, at iba pa.

(Itutuloy…)