(Pagpapatuloy…)
Ang tinatawag na Internet of Things (IoT) ay inaasahang lalo pang lalakas sa darating na taon dahil sa 5G connectivity. Ang dami ng mga magkaka-konektang device—mga gadgets sa smart home at mga industrial sensors—ay inaasahang aabot na sa bilyon!
Ito ay nagbibigay-daan sa mga kompanya na mangolekta ng maraming real-time data mula sa kanilang operasyon, na magdudulot ng mas mahusay at mabilis na pagdedesisyon at mataas na antas ng kahusayan.
Sa mga smart cities, ang mga aplikasyon ng IoT ay makakatulong upang mas maayos na pamahalaan ang trapiko gamit ang real-time data analysis.
Ang ambient computing naman ay may kinalaman sa isang mundo kung saan ang mga digital devices ay nakapaloob sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang mga device na may kasamang sensors at AI ay awtomatikong makakaunawa sa ating mga kagustuhan. Sa mundo ng paggawa, ang ambient computing ay makakapagpadali ng workflow dahil maagang malalaman ang mga pangangailangan. Ito ay magpapahusay sa karanasan ng mga gumagamit. Mababawasan din ang mental load ng mga namamahala ng maraming device o apps.
Habang nakikita at nagagamit natin ang mga pag-unlad na ito na lalo pa nating haharapin sa 2025, dapat tayong manatiling mapagbantay at proactive sa pagharap sa mga potensyal na panganib na kaakibat ng mga inobasyong ito. Bagamat maraming mga benepisyo, nagdadala rin ito ng mga hamon na nangangailangan ng maingat na pag-aaral at pagtingin.
Halimbawa, habang ang mga AI systems ay nagiging mas autonomous, kailangan nating matiyak na mayroon itong matibay na ethical guidelines upang maiwasan ang maling paggamit at maprotektahan ang privacy ng lahat. Gayundin, sa mabilis na pag-unlad ng IoT devices, kinakailangan din ang pagpapalakas ng mga hakbang pangseguridad upang maprotektahan ang sensitibong data mula sa banta ng cyber attacks.
Dapat din tayong maging maingat sa epekto ng mga bagong teknolohiyang ito sa ating kapaligiran. Bigyan natin ng prayoridad ang circular economy upang mabawasan ang basura. Sa ating paggamit ng teknolohiya sa pag-unlad, tiyakin nating mapapangalagaan ang ating lipunan, kapaligiran, at nag-iisang mundo.
Masaganang Bagong Taon sa lahat!